Add parallel Print Page Options

24 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, (A)Maliban ang butil ng trigo ay mahulog sa lupa at mamatay, ay natitira siyang magiisa; nguni't kung mamatay, ay nagbubunga ng marami.

25 Ang umiibig sa (B)kaniyang buhay ay mawawalan nito; at ang (C)napopoot sa kaniyang buhay sa sanglibutang ito ay maiingatan yaon sa buhay na walang hanggan.

26 Kung ang sinomang tao'y naglilingkod sa akin, ay sumunod sa akin; at (D)kung saan ako naroroon, ay doon naman doroon ang lingkod ko: kung ang sinomang tao'y maglingkod sa akin, ay siya'y pararangalan ng Ama.

Read full chapter